Pasko
Para saakin ang tunay na diwa ng pasko ay ang pamilya at ang
pagmamahalan. Tuwing pasko nagsasama-sama ang mga miyembro ng pamilya. Ganito
ang kultura ng mga Pinoy. Kahit na sila'y nasa ibang bansa na, pinipilit talaga
ng mga Pinoy na bumalik sa Pilipinas para maksama muli ang pamilya. Ang pasko ay ang
panahon ng pagmamahalan.
Noong bata ako, ang pinaka gusto ko sa pasko ay ang mga regalong
natatanggap ko. Dati, akala ko yun ang diwa ng pasko, akala ko ito lang ang pinaka importante tuwing dumadaan ang Disyembro 25. Pero ngayong hay iskul na
ako, alam ko na na ang totoong pinaka importante sa pasko ay ang pamilya at ang
pagmamahalan na galing sa kanila.
Nagbago ang pananaw ko mula noong malaman ko kung bakit
talaga namimigay ng regalo ang tao. Namimigay sila nito para magpasaya at para
ipakita na mahal nila ang mga binibigyan.
Mas hihigit na makabuluhan ang pasko kapag inalala natin na
ito ang kaarawan ni Hesus. Ito mismo ang araw kung kailan dumating Ang Tagapagligtas sa
ating mundo.
Kung ako yung bata sa tula, hindi ko papansinin ang mga
tumatawa saakin. Hindi kinakailangan ng pera para maging masaya. Ang kasiyahan ay hindi pangyayari kundi desisyon.
At hindi
lamang bata ang nararapat magdiriwang tuwing pasko. And pasko ay para sa lahat ng tao.
Ang pasko ay para sa pagmamahal ng kapwa sa isa’t isa. Dahil ito ang pinakita
ni Hesus noong siya'y dumating sa mundo; ang pagmamahal. Kaya ang pag-big ay
parating kasama sa pagdiriwang ng pasko. Sapagkat ang Diyos mismo ay pag-ibig.
No comments:
Post a Comment