Thursday, February 25, 2016

Filipino p.378-379 - Mga Libro


Noong ako’y bata, mahilig na akong magbasa ng libro. Naalala ko noong mga apat o limang taong gulang pa lamang ako, may itinatago akong maliit na picture book sa ilalim ng aking unan. Tinititigan ko ito bago ako matulog. Naalala kong natutuwa ako sa mga litrato at hindi ako nagsasawang tingnan sila bago ako matulog. Yung picture book na yun ang nagpapsaya saakin at akala ko dati kapag inilalagay ko siya sa ilalim ng unan ko, bibigyan ako nito ng magagandang panaginip.

 

Yun pa lamang ang simula na aking pagmamahal sa mga libro. Noong naging pitong gulang na ako nagsimula ako magbasa ng mga maiikling nobela. Noong ako’y elementary sinimulan kong bumili at magbasa na ng mga book series at trilogies. Naalala kong pinagpupuyatan ko ito madalas. Ang pagbabasa ang ginagwa ko para magpalipas  ng oras. Gustong gusto ko mawala sa buhay ng mga karakter sa libro. Tuwing nagbabasa ako, nararamdaman ko ang mga nararamdaman ng mga tauhan sa kwento. Tuwing sila’y nasasaktan, parang nasasktan rin ako. Tuwing sila’y masaya nagiging masaya rin ako. Nasa mundo  nila ako tuwing nagbabasa ako ng mga libro.

Noong nasa una at ikalawang antas ako, nagsimula akong sumulat. Una ay mga essay lamang para sa aking mga assignments. Sumunod ay sumusulat na ako ng mga maiikling kwento. Tuwing ipinapabasa ko ito sa aking mga kaibigan nakikita ko rin na nangyayari sa kanila ang nangyayari saakin tuwing nagbabasa ako ng libro. Nawawala sila sa mundo ng aking mga istorya.

Simula noon, sumusulat na ako ng sumusulat. Lumalawak at lumalawak ang aking pagiisip at mga salita. Nadarayo ko ang mundo ng aking mga kathang-isip na kwento at naisasama ko ang sino mang bumabasa ng aking mga istorya.

Ngayon, nakatapos na ako sumulat ng isang libro. Inaayos ko pa ito at binabago ang wakas, pero mula pagkabata, alam ko na talaga kung ano ang gusto kong gawin. Alam ko na kung saan ako masaya at kung ano ang gusto kong ginagawa.

Gusto kong isama ang mga tao sa mundong aking nilikha. Gusto ko Mmakita nila ang tunay na mahiwagang kapangyarihang nasa mga libro.

No comments:

Post a Comment