Thursday, February 25, 2016

20 na Malalim na Salita


1.       Pagmimithi - galing sa salitang-ugat na "mithi" o "pangarap."

Walang makakapigil sa kanya sa pagmimithi na makasama ang babaeng pinaka mahal niya.


2.       Matsing - unggoy

Nalaman lang naming na patay na ang sakitin na matsing noong may nakapansin na hindi na maingay ito.


3.       Bungang-isip - imahinasyon

Bungang-isip lamang ang itinuturing niyang pag-ibig para kay Ana.


4.       Nahihili - galing sa salitang-ugat na "hili" o "selos."

Nahihili siya tuwing nakikita niyang may kasamang ibang lalaki si Maria.
5.       Tugon - sagot

Hindi maganda ang naisip niyang tugon para sa kanyang manliligaw.


6.       Masalang - mahawakan

Malapit na niyang masalang ang matagal na niyang pinapangarap na trabaho.


7.       Pangahas - galing sa salitang-ugat na "marahas" o mabagsik.

May pangahas ang nagging trato niya sa kanyang mga kaaway.


8.       Maningning - galing sa salitang ugat na "ningning" o kislap.

Maningning ang mga bituin noong gabi ng akong kaarawan.

9.       Mahiwaga - galing sa salitang-ugat na "hiwaga" o himala.

Mahiwaga ang nangyari kay Ana sapagkat nawala agad ang kanyang tumor pagkatapos niyang subukan ang mga gamot na inirekomenda ng doktor.


10.   Makamtan - makuha

Nais niyang makamptan ang relong matagal na niyang pinagiipunan.


11.   Sinta - mahal

Sinta ko, huwag ka na magalit saakin.


12.   Masambit - galing sa salitang ugat na "sambit" o sabihin.

Pinipigilan niyang masambit kay Anika ang tunay niyang nararamdaman.

13.   Hangad - hangarin

Masama ang tunay niyang hangad.

14.   Magpapasugo - galing sa salitang-ugat na "sugo" o embahador o utusan.

Magpapasugo sana siya sa mga hari para mas maranasan niya ang buhay sa loob ng palasyo.

15.   Makalilibong - galing sa salitang-ugat na "libo" o sampung daan.

Makalilibong sundalo ang tinawag para ipagtanggol ang bansa.


16.   Wagas - tunay

Wagas ang pagmamahal ni Romeo kay Julieta.

17.   Marikit - maganda

Marikit ang napang-asawa ng Prinsipe.


18.   Pampang - gilid ng ilog

Sa pampang niya natagpuan ang sako ng ginto.

19.   Hinahagkan - galing sa salitang-ugat na "hagkan" o halikan.

Hinahagkan at hinahamon ni Ramon ang kamatayan dahil alam niyang palapit na siya dito.

20.   Nananabik - galing sa salitang-ugat na "sabik" o umaasam.

Nanabik na siyang Makita muli ang kanyang kasintahan.

No comments:

Post a Comment