Ang Gusto Kong Gawin Sa Buhay
Sa katotohanan, dati ko pa alam kung ano ang
gusto kong gawin sa buhay.
Buhay. Ano nga ba ang buhay? Ang buhay ay
isang regalo madalas tanggihan ng marami.
Sa katunayan, plano ko ay gamitin ang aking
buhay sa anyong serbisyong makakatulong sa iba. Hindi para saakin ang aking
buhay na ito, para ito sa aking magulang na nagpalaki saakin. Para ito sa mga
kaibigang kailangan ko tulungan, sa mga taong nangangailangan saakin. At higit
sa lahat, ang buhay ko ay para kay Hesus na namatay para saakin.
Ito ang gusto ko gawin sa buhay. Gusto kong
gamitin ang buhay ko para sa kapakanan ng iba. Gusto kong tumulong sa maraming
tao. Gusto kong maibahagi ko ang buhay ko sa kanila. Dahil, hindi ba ito ang
misyon nating lahat? Ang mapasaya ang kapwa?
Ito ay ang aking pangarap, ang magamit ang
buhay ko upang mapasaya ang maraming tao. Alam ko ito ang gusto kong gawin at
alam ko nandito ako sa mundo para gawin ito.
Ang gusto ko, ay mapasaya ang mga tao. Ito
ang gagawin ko sa buhay kong ito.
No comments:
Post a Comment