Ang Pangarap Kong Pamilya
Ano nga ba ang ibig-sabihin ng isang pamilya?
Para saakin, ang pamilya ay ang lugar kung saan ako
umuuwi. Ang pamilya ay kung saan ako nararapat, at kung saan ako nababahagi.
Sa katunayan, ang pangarap kong pamilya ay nasa
aking mga kamay na. Wala na ako mang kailangan hingin pa. Hindi man perpekto ang
bawat myembro, pero alam ko mahal ko sila. Kung ako man ay magkakaroon ng
sarili kong pamilya balang araw, gugustuhin ko tulad nito ng pamilya ko ngayon.
Ang pamilya na nagkakasama-sama ara-araw. Ang
pamilya na minamahal at binibigyang halaga ang oras magkasama ang sa isa’t-isa.
Ito ang tipong pamilya na kahit ano man ang mangyari, hinding-hindi
magkakahiwalay. Kahit gaano ka tindi ang magiging away, ang totoong pamilya ay
marunong mag-adjust at mabigyang solusyon ang problema.
Ang pamilya ko ay ang tipong pamilya na hindi
nawawalan ng pag-asa o pagmamahal. Ito’y dahil, ang sentro ng aming pamilya ay
ang Diyos. Alam naming kung sino ang Panginoon sa aming buhay. Alam rin naming
ang kagustuhan Niya saamin.
Upang magmahal, kailangan matutong magmahal. Kaya
kapag ang Diyos mismo ang guro, wala nang iba pang makaka-talo o makaka sira sa
isang pamilya. Ito’y dahil kapag ang Diyos ang may hawak sa puso ng pamilya,
siguradong hindi ito mapapahamak.
Ang pangarap kong pamilya ay ang pamilya mayroon na
ako. Dahil ito ang pamilyang mayroon pagmamahal. Ang Diyos ang sentro ng
pagmamahal. Kapag matatag ang tiwala ng pamilya sa Diyos, wala nang
makakahadlang dito.
Gawing sentro ng pamilya ang Diyos, at wala ka nang
ibang ipapangarap pa. Ang Diyos ang mismong puso ng pamilya. Ito dapat ang
maging pangarap ng lahat.
No comments:
Post a Comment