Hindi produkto kundi serbisyo ang ang
inaalok ng napili kong negosyo. Ang napili kong negosyo ay ang Online Internet Researcher na
negosyo.
Ang ginagawa ng negosyong
ito’y ay naghahandog ng pananaliksik ng kumpletong impormasyon ukol sa isang
paksa na gugustuhing malaman ng isang costumer.
Ang negosyong ito ay nagbibigay ng mga
serbisyo na maaring maging pangangailangan ng isang tao or kagustuhan lamang;
nasa kanila kung paano nila gagamitin ang impormasyong nakuha.
Paano
gumagana ang negosyong ito?
Ito’y umaandar lamang
gamit ang isang computer at isang high-speed na internet access.
Ang negosyong ito ay
pwedeng gamitin world wide basta’t ang mga tauhan o empleyado ay nagsasalita ng
wika ng mga customer. Kung ganoon ang sitwasyon, wala magiging problema.
Ito ay na sa may-ari ng negosyo kung
nais niyang magkaroon ng mga empleyado sa negosyong ito, ngunit
wala mang empleyado o mayroon, maari paring umandar ang nasabing negosyo.
P500 per hour ang bayad sa negosyong ito. Maaari mong taasan ang iyong oras-oras na rate kung gumanda-ganda ang iyong reputasyon sa propesyong ito.
P500 per hour ang bayad sa negosyong ito. Maaari mong taasan ang iyong oras-oras na rate kung gumanda-ganda ang iyong reputasyon sa propesyong ito.
Salik Lipunan
Isa sa mga salik ng lipunan na makakaapekto sa mga serbisyong
inihahandog ng negosyong ito ay ang pagiging-kakaiba ng negosyong ito. Dahil hindi ito isang karaniwang
negosyo, maaaring mas maging
hamon na maipakilala ito sa mga tao.
Target Customer
Para sa negosyong ito
kahit sino ang pwedeng maging target customer. Ang antas na nabibilang sa pamimili
ng serbisyong inihahandog ng negosyong ito ay maaring nasa Middle class. Mga 13-45
ang age bracket ng target customers ng negosyo. Ito’y dahil sa mga edad na ito
mas kinakailangan ang mga Online Researchers. Lalo na para sa mga estudyante at
mga empleyado na gipit sa oras.
Advertising and Service
Dahil online lahat,
madali lang ang pagpapaalam ng mga serbisyong binibigay ng negosyong ito. Lahat
ay madadala sa online marketing. Pwedeng magamit ang mga online social networks
katulad ng Facebook, Tumblr, Instagram, Blogspot, at
iba pa na networks na pwedeng pang-advertise.
Gagamitin lamang online
messaging upang maparating sa customer ang mga serbisyong binayaran. Dahil ito
nga ay research, written ito at pwede ipadala ang softcopy gamit ang email.
Konklusyon
Gusto ko ang negosyong
ito dahil ang kinakailangan naman talaga sa negosyong ito ay isang computer, mabilis
na wifi, at abilidad ng isang magaling na researcher.
Sa lahat lahat, madali
ang pagpapatakbo ng negosyong ito at maraming nangangailang ng mga serbisyong
inaalok nito.Ngunit, kung ako’y magpapatakbo ng ganitong negosyo, aarkila ako ng mga
empleyado na sinanay at tinuruan ko ng tamang paggamit at paggawa ng research.
No comments:
Post a Comment