Wednesday, December 30, 2015

Filipino - Performance Based Tasks

Pumili ng 10 na malalim na salita mula sa Yunit III. Ibigay ang mga kahulugan ng bawat isa at gamitin ito sa pangungusap.
 

1.       Nagwasiwas – nagwagayway
Nagwasiwas ang Pilipino ng bandila bilang pahayag na natalo nila ang mga dayuhan.

2.       Sumungaw – dumungaw, sumilip
Nahuli ni Ana ang mga sumungaw na bata sa bintana ng hardin.

3.       Dagundong – malakas na kalugkog
Nawala ang katahimikan noong narinig nila ang dagundong ng kidlat.

4.       Tunggalian – labanan
Wala paring tao ang nakakakalimot sa tungaliang nakapatay kay Jose.

5.       Nakalikmo – nakaupo
Natagpuan ko siyang nakalikmo sa sahig.

6.       Nasuplingan – nabigyan
Nasuplingan ng bagong galit ang mga Pilipino noong malaman nila kung sino ang mga traydor.

7.       Kahabag-habag – kaawa-awa
Kahabag-habag ang naging buhay niya pagkatapos niya maulila.

8.       Kapintasan – kakulangan, kasiraan
Walang gusting makipagkaibigan sa kanya dahil sa kanyang kapintasan.

9.       Tenyente – lider, pinuno
Siya ang tenyente ng bayan.

10.   Masasapantaha – mabibintang, masususpetya
Kapag sumama ka sa gulo nila, masasapantaha kang criminal rin.

11.   Paggilalas – pagmangha
Wala siyang ibang pinakita kundi ang paggilalas niya sa krystal na natagpuan sa dagat.

12.   Sagupaan – lusubin, harapin
Alam nilang lahat na oras na upang sagupaan ang kaaway.

13.   Nag-uulik-ulik – pagaatubili, pag-uurong-sulong
Nag-uulik-ulik siya dahil hindi siya sigurado kung nararapat ang kanyang magiging desisyon.

14.   Gunita – rekoleksyon, memorya
Kapag umasa lamang stay sa gunita niya, bak hindi pa tayo makauwi ng bahay.

15.   Tuligsa – punahin, atakihin, umaatake sa kapwa
Si Jose ay intinuturing tuligsa ng bayan.

16.   Buntung-hininga – paghinga ng malalim
Noong naalala niya muli ang kanyang mga problema, hindi niya napigilang maglabas ng isang buntung-hininga

17.   Patunubay – gabay
Kinailangan niya ang patnubay ng kanyang kapatid upang manalo sa paligsahan.

18.   Pakli –sagot
Hindi niya tinanggap ang pakli ng kanyang mga kaibigan.

19.   Ipinagsanggalang – ipinagtanggol
Ipinaggtangol ng ina ang kanyang inaaping anak.

20.   Bahagya – kaunti
Bahagya lamang ang natanggap niyang pagkain.

 

No comments:

Post a Comment