Monday, October 19, 2015

Pananaliksik - Banyuhay


Modern Dance

 
Modern dance ay isang malawak na kategorya ng western concert o theatrical dance (kumpara sa participation dance), lalo na nagmula sa parehong Alemanya at ang Estados Unidos noong ika-19 at maagang ika-20 siglo.

 
Nagkaroon ng mga alingawngaw na nagmula raw ang modern dance bilang isang anyo ng paghihimagsik laban sa classical ballet. Ngunit sa mga panahong ring ito (1880), ang mga tao ay naging interesado sa kalusugan at pisikal na fitness. Eksperto sa pisikal na edukasyon sa oras na iyon ang naghanda ng daan para sa modern dance. Gymnastic exercises nagsilbi bilang panimulang punto para sa mga batang babae na nais na sumayaw.

Aesthetic at free-dance performances ay naging popular sa mga tao—lalo  na sa mga kabataang babaedahil nagagwa na nilang ipahayag ang kanilang mga sarili sa pagsasayaw nang hindi sumusunod sa mga alituntunin ng ballet.

Habang ito’y nangyayari, mga dance artists tulad ni Isadora Duncan, Maud Allen, at Loie Fuller ay nanguna ng mga paggawa ng bagong paraan at mga gawi sa aesthetic o free- dance para sa madla. Binalewala ng mga mananayaw na ito ang mahigpit  na kilusan at mga alintuntunin ng ballet. Tinigil na narin nila ang pagsuot sa corsets at pointe shoes para sa mas malaya na pagkilos lalo na kapag sumasayaw.

Emil Rath, ay sumulat tunkol sa umuusbong artform na ito noong panahon ay sinabing;

Music and rhythmic bodily movement are twin sisters of art, as they have come into existence simultaneously...today we see in the artistic work of Isadora Duncan, Maud Allen, and others the use of a form of dancing which strives to portray in movements what the music master expresses in his compositions—interpretative dancing."

Ito na ang naging simula na bagong henerasyon ng pagsayaw.

Mula sa humigit-kumulang 1914 hanggang sa mga sumunod na mga taon, ang mga alalahaning-sociopolitical ay nagdagdag pwersa sa pagpatuloy na pagpapaunlad ng modern dance sa Estados Unidos at Alemanya.



Ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang paglitaw ng pasismo, ang Great Depression (sa US), at ang paglaki ng iba pang artforms ay nakaapekto sa ebolusyon ng modern dance. Noong 1960, ang mga bagong ideya tungkol sa dance nagsimulang lumitaw, muli sa malaking bahagi bilang reaksyon sa mga kultura at panlipunang pagbabago.


 Sa kalaunan, ang mga postmodern dance artists ay tumanggi sa pormalidad ng modern dance, at isinama ang mga elemento tulad ng performance art, contact improvisation, release-technique, at improvisation.

Pagkatapos ng mga panahong ito, mas maraming uri ng sayaw ang dumating. Ang mga nasabing sayaw ditto at ang Expressionist at early modern dance, Radical Dance, at Contemporary Dance.

Ang modern dance ngayon ay nakatutok sa pagpapahayag ng mga damdamin at sariling estilo ng mananayaw. Hindi kinakailangang magkaroon ng mga patakaran dito. Maaari itong maging mabangis at mabilis o malambot at mabagal. Walang mga limitasyon ang modern dance, lalo na ngayon sa edad na ito. Kapag mananayaw ka, pwede mo nang ipakita ang iyong pagiging malikhain sa pagsayaw.

Ang mga dance-steps mula sa kategoryang ito ay karaniwang natatangi, masaya, emosyonal, at laging hindi inaasahan dahil creative ang mga choreographer sa generasyon na ito.

Langit ang limit ng pagkamalikhain ng isang tao.

Source: https://en.wikipedia.org/wiki/Modern_dance

No comments:

Post a Comment